top of page

Kaibigan/Kina-ibigan

By: 999


Graphics by: Crismhil S. Anselmo

Photo by: Mary Lesley A. Beriña


Oo, intensyon kong mapalapit sa ’yo

Ngunit ‘di ko intensyon na mahulog ako na akala ko wala lang ito.

Mga unang parte ng ating kwento, asaran at harutan d’on ako kuntento.

Isang pagkakataon sa buhay ko, naging inspirasyon ka ng bawat araw ko.


Bakit nga ba ang pag-ibig, sadyang magulo?

Akala ko n’ong una laro-laro lamang ang mga nararamdaman ko.

O kaibigan ko, masaya ako na nagkakilala tayo,

masaya ako na isa ako sa mga naging takbuhan mo sa oras na kailangan mo.


Isang inuman ang nagpasimula ng ating kwento,

kwento na ang akala ko magiging maayos hanggang dulo.

Na ang akalang kong dulo na malayo,

ay papalapit na pala sa harap ko.


Anim na buwan bago magkagulo.

Salamat sa anim na buwan na masaya ako.

Mga tawanan, iyakan, at malalim na mga usapan.

mga laban na ikaw at ako ang ating naging takbuhan.


Ilang buwan na ang nakalipas mula nang tayo’y nagkalayo,

nagkalayo sa paraan na kung saan lahat ay nagbago.

Nagbago ang pagsasama, pakikitungo, at tayo.

Nagbago sa paraan na pareho nating hindi ginusto.


Sa unang pagkakataon sa buhay ko,

ngayon ko nasabi na nahulog talaga ako.

Hinayaan ang sarili at inuna ang kapakanan mo,

isang pagkakamali na aking ginusto.


14 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page