Graphics by: Albert Dylan D. David
Photo by: Keith Marie R. Dela Cruz
Bayan Kong Pinanggalingan
By: Goven M. Barrera
Perlas ng Silanganan
Lupang kinamulatan
Bakura’y tubig alat
Kapulua’y kinalat.
Sa gubat at sa dagat
Sagana masasalat
Pamumuhay na payak,
Malaya, matitiyak.
Likas ang kasiyahan
Sa ating inang bayan
Sa hirap, sa ginhawa
May paraang matuwa.
Makakasalamuha
Pinoy na pinagpala
Ang ating bayanihan
Tila h’wag kalimutan.
Sa buhay karangyaan
Mahalin ang kababayan
Malayo man marating
Magbigay, munting lambing.
Maaaring pagtak’han
Panahon na lumisan
Mga bagyong nagdaan
Iyo sanang pagmasdan.
‘Laging ipaglalaban
Yaman at kalayaan
Ating pakatandaan
Mahalin, inang bayan.
Comments